
Cauayan City- Arestado ang isang lalaki dahil sa tangkang pananaksak sa Brgy. Dianao, Cauayan City noong unang araw ng Enero 2026.
Sa nakuhang impormasyon ng iFM News Team sa Cauayan City Police Station, angb suspek ay kinilalang si alyas “Rob”, 53-anyos na laborer, habang ang biktima ay kinilala naman ang biktima na si “El”, 50 anyos, pawang residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, pumunta umano ang biktima sa bahay ng kabaranggay nito na si “Edson” matapos siya nitong yayaing magkape.
Habang nagkakape, bigla na lamang umanong lumapit ang suspek sa kinaroroonan ng dalawa at walang anu-ano’y hinugot nito ang kutsilyo na nakasuksok sa bewang nito at tinangkang saksakin ang biktima.
Maswerteng naka-ilag ang biktima sa saksak ng suspek. Kaagad rin itong tumakbo palayo sa suspek at umuwi sa kanilang bahay upang iligtas ang sarili.
Samantala, naaresto din ang suspek at dinala sa Cauayan City Police Station para sa tamang disposisyon.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments








