𝗠𝗔𝗗𝗜𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗢, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘

Dead on arrival ang 20 anyos na estudyante kinilalang si Krixa Alyssa Cabaddo matapos mahulog sa palayan ang minamaneho nitong motor lulan ang dalawang backride.

Tinuturong dahilan ang madilim na kalsada sa bahagi ng Brgy. San Raymundo, Balungao kaya hindi gaanong nakita ng driver ang daan dahilan upang sumalpok ang motor sa metal barrier at mahulog sa palayan sa lugar.

Nagtamo ng sugat at injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tatlo at naitakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang driver.

Napag-alaman na positibo sa alcohol breath test ang tatlo at pawang hindi nakasuot ng helmet nang maganap ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments