𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Umaabot sa mahigit dalawampong libong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang kwarentay singko anyos na lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang suspek ay nakilalang si Ricky Bautista residente ng bayan ng Sta. Barbara.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas diyes ng Gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang Sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tatlong gramo na nagkakahalaga ng ₱20,400.00.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments