Thursday, February 12, 2026

𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗥𝗘𝗥𝗘𝗕𝗜𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗖𝗢𝗗𝗘; 𝗣𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗠𝗔𝗥𝗞, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗡𝗜-𝗥𝗘𝗡𝗘𝗪‎

Cauayan City – Irerebisa ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang market code ng lungsod matapos lumitaw ang mga isyu sa pamamalakad ng kanilang naging partner sa pamilihang lungsod, na ayon sa lokal na pamahalaan ay may mga nakitang pagkukulang.

Nakipag-ugnayan ang LGU Cauayan sa mga vendors upang alamin kung ano ang makatarungan at upang marinig ang kanilang panig.

Dahil umano sa napapabayaang kalagayan ng palengke at sa hindi pagtugon sa mga kinakailangang ayusin, nagpasya ang lungsod na huwag ng i-renew ang prangkisa nito bunsod ng hindi pagsunod sa napagkasunduan.

Ayon kay Mayor Jaycee “JC” Dy, binigyan nila ng palugit ang Primark upang itama at ayusin ang mga dapat baguhin, subalit nanatili lamang umano ito sa usapan at walang kongkretong aksyon.

Isa sa mga dahilan ng naging hakbang ng lungsod ay ang hirap na dinaranas ng mga vendors tuwing umuulan, partikular ang pagbaha sa palengke at ang mga pasilidad na matagal nang nangangailangan ng pagsasaayos.

Ipinaliwanag ni Mayor Dy na bagamat may kontratang naglilimita sa direktang pakikialam ng pamahalaang lungsod, nakitaan umano ng pagkukulang ang kumpanya kaya kinansela ang prangkisa dahil sa hindi pagtugon sa mga kahilingan ng city government.

Dagdag pa ni Mayor Dy, ang pagrerebisa ng market code ay para sa ikabubuti ng publiko at upang matugunan ang mga hinaing ng mga Cauayeño, lalo na ang proteksyon sa karapatan ng mga vendors na matagal nang nahihirapan.

Tiniyak naman ng alkalde na sa oras na tuluyan nang matake-over ng City Government ang palengke, asahan ng mga vendors ang mas mabilis at maayos na serbisyo mula sa pamahalaang lokal.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments