𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟭𝟮.𝟭-𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢-𝗖𝗔𝗥

CAUAYAN CITY – Naglunsad ng marijuana eradication ang Police Regional Office – Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) sa probinsya ng Kalinga at Benguet.

Sa probinsya ng Kalinga, 60,000 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) na nagkakahalaga ng mahigit P12-M ang nadiskubre sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company.

Habang 500 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) naman na nagkakahalaga ng P100-K ang narekober ng mga operatiba sa Benguet.


Matapos ang dokumentasyon at sunugin ng PRO-CAR ang mga ito ay nagsagawa sila ng imbestigasyon upang matukoy ang may-ari at kung mayroon pang mga marijuana sites na malapit sa lugar.

Facebook Comments