𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜

Nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Kadalasan sa mga rice retailers, benta ang naglalaro sa ₱54 hanggang ₱60 na kada kilo ng regular at well milled rice sa merkado.

Mangilan-ngilan na lamang ang nagbebenta ng nasa ₱50 hanggang ₱52 na per kilo at ayon sa mga consumers, hindi talaga kagandahan ang kalidad nito bagamat dahil dito mas nakakamura, ang pinakamababang presyo ang binibili ng mga ito.

Sa kabilang banda, kahit nananatiling mataas sa presyuhan nito sa merkado ay walang plano ang Department of Agriculture (DA) na muling patawan ng Suggested Retail Price o SRP ang nasabing produkto sa kabila nang hinihinging price cap ng isang grupo ng mga magsasaka.

Ayon sa DA, hindi na kinokonsidera ang pagtatakda ng price cap dahil pabago-bago ang international market price bunsod ng nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon.

Samantala, tinututukan sa ngayon ang pagpapataas sa buffer ng bigas upang patatagin ang rice price. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments