𝗥𝗜𝗦𝗞 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗟𝗜𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗, 𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗔

Ilulunsad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Risk Resiliency Program (RRP) bilang tugon sa lumalalang epekto ng El Niño sa mga lalawigan sa rehiyon uno.

Ayon sa datos, ₱86.8 milyong piso ang ilalaan ng DSWD para sa iba’t-ibang cash-for-work at cash-for-training program na kanilang isasagawa.

Ayon kay DSWD Ilocos Disaster Response Management Division Chief Maricel Caleja, nais nilang abutin ang nasa 9,978 na pamilya sa dalawampung LGUs na may mataas na bilang ng mga mahihirap.

Ayon pa kay Caleja, makatutulong ito sa mga pamilyang mabebenipisyuhan mula sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon, nang sila’y matuto at magkaroon ng mga kasanayan kahit pa sa pagtatapos ng El Niño.

Magtatagal ang naturang programa mula Pebrero hanggang Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments