𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong masangkot sa aksidente sa Urdaneta City.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Brgy. San Jose sa nasabing Lungsod pasado ala una ng madaling habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng nasabing barangay ng mawalan ito ng kontrol sa manibela at mahulog sa kanal.

Nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy pa na inaalam ng pnp ang pagkakakilanlan ng biktima na pinaniniwalaang taga ibang lugar ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments