Sinimulan nang baklasin ng lokal na pamahalaan ang ilang mga ilegal na istrakturang nakatayo sa tabing dagat sa bahagi ng Bonuan Binloc sa lungsod ng Dagupan, kahapon ng umaga.
Ayon sa lokal na pamahalaan, sila ay seryoso sa pagpapalaganap at pagsasaayos sa sektor ng turismo, kaya’t marapat lang na isaayos ito.
Ayon naman sa Community Environment and Natural Resources Offices (CENRO), hindi raw awtarisado ang tinaguriang mga ‘untenured occupants’ sa pagtatayo ng mga istruktura sa lugar, kaya marapat lang na malinis ang bahaging ito ng coastal area.
Samantala, base naman sa City Legal Officer na si Atty. Aurora Valle, ipinagbabawal diumano ang pagbebenta sa mga lupang sakop ng naturang tabing dagat dahil ito raw ay public domain at hindi kailanman mapapasakamay ng kahit ninuman.
Ang naturang pagbabaklas ay bahagi ng pagprotekta sa mga coastal areas, at ng pagsunod sa mga umiiral na batas ukol sa pangangalaga ng karagatan at paligid nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨