𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗞𝗔𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ipapatayo sa lungsod ng Dagupan ang kauna-unahang skate park sa buong lalawigan ng Pangasinan na siyang maaaring matutunang sports ng mga interesadong kabataan sa lungsod.

Nakatakda ipatayo naturang skate park sa bahagi ng Tondaligan Ferdinand Beach.

Nito lamang ay nagtungo ang mga presidente ng Pangasinan Skateboarding Community sa opisina ng alkalde ng lungsod upang mapag-usapan ng disenyo at istrakturang naaangkop sa naturang sports.

Kasama rin ang kawani mula sa City engineering office at adventure sports & tourism adviser na siyang former councilor para sa pag-uusap ukol sa pagpapatayo ng skate park.

Maganda umano ito bilang isa ito sa maaaring maging atraksyon sa tondaligan beach at maging panghihikayat na rin sa kabataan na bagong pagkakaabalahang sport. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments