Muling nagpaalala ang otoridad sa mga Pangasinenses kaugnay sa insidenteng sunog bilang pakikiisa sa Fire Prevention Month.
Matatandaan na sa unang mga buwan ng taong 2024, kaliwa’t kanang sunog ang naitatala sa ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan tulad na lamang sa bayan ng Calasiao, Manaoag, Lingayen, Bayambang, lungsod ng Dagupan at sa iba pa.
Ilan lamang sa mga maaaring bantayan ng publiko ang mga linya ng kuryente na sobrang luma na at kailangan nang palitan, overloaded na saksakan, nakalimutang cellphone o gadget na matagal nang naka-charge, batang naglalaro ng apoy, nakabukas na kalan o naiwang lutuin sa kusina, naiwang nagniningas na kandila, sinusunog na basura, kabilang ang mga inipong natuyong dahon at dayami o iba pang farm waste.
Hinimok din ang publiko lalo na ang mga bumibisitang turista sa iba;t-ibang pamosong pasyalan sa probinsya na iwasan ang paghagis ng upos ng sigarilyo na kakatapos gamitin sa mga kumpol na natuyong mga ng dahon dahil maaaring pagmulan ito ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨