𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗡𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang annual budget ng LGU MAnaoag para sa taong 2024 at pondo para sa pagpapatayo ng One Manaoag Public Market.

Pinapayagan na ng Sangguniang Panlalawigan sa pinal na rebisyon at pag-apruba ng Bureau of Local Government Finance at ng Monetary Board ng Banko Sentral ng Pilipinas ang lokal na pamahalaan ng Manaoag ukol sa pagpapatayo sa naturang proyekto.

Pumasok rin kasi ang proposed project na ito sa 240M Loan Agreement sa Landbank of the Philippines na suportado ng boto ng mayorya ng Sangguniang Bayan.

Sa pamamagitan ng inaprubahang pondo, magtutuloy na ang pagpapatupad sa konstruksyon ng bagong dalawang palapag at iba pang gusali ng naturang public market sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments