Ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang pagligo at pangisda sa mga coastal areas sa lungsod kasama na rito ang Tondaligan beach dahil sa bantang dala ni Bagyong Nika.
Partikular na tinukoy ng lokal na pamahalaan ang mga barangay ng Binloc, Boquig, Pantal at Pugaro. Ayon sa PAGASA, posibleng umabot hanggang 3.5 meters ang lebel ng tubig sa mga baybayin dulot ni Bagyong Nika.
Matatandaan na nakataas din ang Storm Surge Warning o daluyong sa mga coastal areas sa lalawigan. Patuloy na hinimok ang publiko sa pagiging alerto gayong nananatiling nakataas ang wind signal 1 hanggang 2 sa lalawigan ng Pangasinan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments