Wednesday, February 4, 2026

𝗡𝗢. 𝟭 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗥𝗔𝗣𝗘, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗫𝗔𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City – Naaresto ng kapulisan ang No. 1 Top Most Wanted Person sa antas probinsya na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape sa Barangay Villa Concepcion, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek bilang alyas “Ettu” na mahaharap sa paglabag sa Revised Penal Code na inamyendahan ng Republic Act No. 11648, kaugnay ng Republic Act No. 8369.

Ang operasyon ay pinangunahan ng 3rd Platoon ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) bilang lead unit, katuwang ang Roxas Police Station, Provincial Intelligence Unit–IPPO, Regional Intelligence Unit 2 – PIT Isabela East, Palanan Police Station, at 1st Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2).

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Mayo 13, 2025, na inisyu ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 16 sa Ilagan City, Isabela, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam agad sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.

Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Roxas Police Station bago ang pormal na turnover sa korte na naglabas ng warrant.

‎——————————————
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments