Taliwas sa mga pahayag na mapaparalisa ang transport system sa buong bansa, dahil sa pagtatapos ng PUV Consolidation, hindi naman diumano nakaapekto ang nasabing deadline sa pagbiyahe ng mga jeepney sa lalawigan.
Ayon sa naging pahayag ni Autopro One Pangasinan Federation President Bernard Tuliao, isang porsyento lamang ang hindi nakapagpa consolidate sa lalawigan dahil ang mga nasabing PUV Operators at Drivers ay mayroon lamang kakaunting miyembro sa kanilang mga ruta upang makabuo ng kooperatiba.
Sa ngayon, naging epektibo naman diumano ang pagpapalawig ng nasabing deadline dahil mula sa 5% na unconsolidated noong huling taon ay bumaba ito sa 1%.
Samantala, hindi naman iniinda ngayon ng mga komyuter ang kakulangan ng mga jeepneys, dahil karamihan naman sa mga operators at drivers ay nakapag consolidate bago pa man magtapos ang consolidation kahapon, Abril 30.
Sapat naman, sa ngayon, ang bilang ng mga jeep at iba pang pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa iba’t ibang ruta sa buong lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨