𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛 𝗗𝗔𝗬

Muling binigyan-diin ng iba’t ibang government at non-government agencies na may adbokasiya sa kalikasan ang pagbibigay dapat ng importansya at pangangalaga ng publiko sa likas na yaman at kapaligiran.

Ito ay matapos na makibahagi ang mga ahensya sa paggunita ng Earth Day, noong isang araw, kung saan naglalayon na maaanyayahan ang publiko na makiisa sa paglaban sa iba’t ibang polusyon na nakaaapekto sa kalikasan.

Payo ng awtoridad na magsimula sa paggamit ng reusable bags at umiwas sa single-used plastics para malabanan ang plastic pollution.

Sa lungsod naman ng Dagupan, patuloy ang kampanya sa ‘Goodbye Basura’ kung saan mahigpit na ipinapatupad ang no segregation, no collection sa lahat ng barangay.

Paalala rin ng awtoridad na kahit hindi Earth Day ay patuloy na tumulong na maibsan ang problema sa basura at polusyon nang sa gayon ay maisalba ang kalikasan at maging mas maayos ang kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments