𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗜𝗜 𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗘𝗘𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔

Nag-umpisa na, noong miyerkules ang taunang Pangasinan II Division Meet na kasalukuyang isinasagawa sa bayan ng Mangaldan.

Ang naturang programa na may temang Pangasinan II in its New Visor, Vibrance in Character Towards Victory in Athleticism ay dinaluhan ng delegasyon ng mga atletang mag-aaral mula sa mga sakop nitong congressional districts, ang 4th, 5th A and B, at 6th A and B, kabilang na rin ang Association of Pangasinan II Private Schools. Dagdag pa riyan mga guro, at iba pang mga opisyal na siyang tatayong referee, coordinators, at administrators sa nasabing palaro.

Pagtatalunan sa naturang palaro ang iba’t ibang ball games, board games, dance sports, swimming, athletics at marami pang iba.

Samantala, panghihikayat naman ng Kagawaran ng Edukasyon, na ang ‘focus’ ang tutulong sa kanila upang makamit ang ninanais nilang mithiin, na inihalintulad sa larong archery na nangangailangan ng concentration.

Ang naturang kaganapan ay may layuning mapili ang mga manlalarong sasabak sa nalalapit na Region 1 Athletic Association (R1AA) meet, na gaganapin sa unang linggo ng Abril sa lalawigan ng Ilocos Norte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments