𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗢𝗡 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗦, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟𝗬𝗢

Muling itinampok ng mga kabilang Micro, Small, Medium, Enterprises ang kanilang iba’t ibang mga produkto sa pamamagitan ng buwanang Kadiwa on Wheels sa Kapitolyo.

Nilahukan ang naturang kadiwa ng nasa mahigit dalawampung mga MSMEs mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan upang ilako ang kanilang mga ipinagmamalaking mga negosyo sa publiko.

Layon ng Kadiwa on Wheels na Kapitolyo ay upang suportahan at tulungan ang mga may maliliit na negosyo sa pangingisda, pagsasaka, kooperatiba, asosasyon at iba na direktang maibenta sa publiko ang kanilang mga produkto sa murang halaga lamang.

Ang proyektong ito ng pamahalaan ay kahalintulad sa proyekto ng Department of Agriculture upang mas maraming matulungan na may negosyo sa ilalim ng programang ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments