𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Patay ang dalawa katao sa naganap na banggaan ng motor at kotse sa bayan ng San Fabian.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Edward Mendoza at angkas nitong si Richard Maneclang parehong residente ng Barangay Rabon sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas nuebe ng gabi sa Barangay Rabon kung saan ay napunta umano sa linya ng kasalubong na kotse ang motor ng mga biktima na dahilan ng head-on collision.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival and mga ito.

Dinala naman sa PNP San Fabian ang driver ng kotse para sa karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments