
Nagsumite si Senator Raffy Tulfo ng “Bagong Balikbayan Act”, isang panukala na naglalayong mabigyan ng maayos na reintegration program ang tinatayang aabot sa 2.44 milyong Overseas Filipino Workers (OFW) na nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa tensyon sa Middle East.
Ayon sa Senador, nakapaloob dito ang mga priority measure sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang tinatawag na National Reintegration Bill, kaya naman mahalagang magkaroon ito ng agarang aksyon.
Nakatuon din ang reintegration program sa psychosocial, panlipunan, at community-based support systems para sa mga pilipinong apektado ng krisis.
Source: DZXL NEWS
Facebook Comments










