Tuesday, April 14, 2026

TRICYCLE, SUMALPOK SA NAKAPARADANG VAN SA BINALONAN

Sugatan ang isang 45-anyos na lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa nakaparadang van sa kahabaan ng national highway sa Barangay Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan, alas siete ng umaga kahapon, Marso 4, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon, nakaparada at walang sakay ang isang van sa northbound shoulder lane nang mabangga ito ng tricycle na minamaneho ng lalaki, na umano’y nasa impluwensya ng alak.

Dahil sa insidente, agad na isinugod sa ospital ang driver ng tricycle na nagtamo ng mga sugat. Kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan at patuloy pang inaalam ang halaga ng pinsala.

Dinala sa himpilan ng pulisya sa Binalonan ang mga sangkot na sasakyan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments