Thursday, February 5, 2026

β€Žπ—£π—›π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—£π—œπ—‘π—˜ π—šπ—’π—Ÿπ—™ π—–π—›π—”π— π—£π—œπ—’π—‘π—¦π—›π—œπ—£, π—¦π—œπ—‘π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

Cauayan City – Mahigit 130 golfers ang inaasahang lalahok sa Philippine Golf Championship na magsisilbing season opener ng Asian Tour at inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC).

β€ŽGaganapin ang torneo ngayong araw, February 5 hanggang 8 sa East Course ng Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

β€ŽKabilang sa mga top players na sasabak ay sina dating Order of Merit winners John Catlin at Sihwan Kim ng United States, at Jazz Janewattananond ng Thailand.

β€ŽMay kabuuang premyong USD 500,000 na inilaan ng Asian Tour at National Golf Association of the Philippines.

β€ŽAyon kay PSC chairman Patrick Gregorio, patunay ang muling pagho-host ng bansa sa tiwala ng international sports community.

β€ŽSamantala, lalaban naman para sa Pilipinas sina Aidric Chan at Carl Jano Corpus sa nabanggit na kompetisyon.

Facebook Comments