
Cauayan City – Naglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa Colombia para sa mga Pilipinong nasa Venezuela kaugnay ng pag-atake ng Amerika sa naturang lugar.
Ayon sa embahada, pinapayuhan ang mga Pilipino na iwasan ang mga sitwasyong may potensyal na magdulot ng kaguluhan at manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan hangga’t maaari.
Hinikayat din ang mga kababayan na regular na i-check ang FilCom WhatsApp group upang manatiling updated sa mga pinakabagong anunsyo at impormasyon.
Maaari ring makipag-ugnayan sa embahada sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:
* Email: bogota.pe@dfa.gov.ph
* WhatsApp: +57 310 753 7926 / +57 310 396 6319
* Facebook: fb.com/phincolombia
Ang naturang abiso ay inilabas matapos ang mga ulat hinggil sa umano’y pag-atake ng Estados Unidos sa ilang bahagi ng Venezuela, kung saan napaulat din ang pagkakadakip kay Venezuelan President Nicolás Maduro at sa asawa nitong si Cilia Flores.
: Philippine Embassy in Colombia
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









