
Cauayan City – Natagpuan na at opisyal nang nakumpirma ang pagkakakilanlan ng 16-anyos na Filipino na si Kean Kaizer Talingdan, ilang araw matapos siyang mai-ulat na nawawala matapos sumiklab ang isang sunog sa Le Constellation bar sa Crans-Montana, isang ski resort na bayan sa Switzerland noong ika-1 ng Enero, 2026.
Batay sa pahayag ng ina ni Kean na si Kristal Talingdan, ligtas na at nakumpirma na ng mga awtoridad ang pagkakakilalan ng kanyang anak matapos ang masusing imbestigasyon ng mga ito.
Ayon sa Philippine Embassy sa Berne, patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Switzerland ang Embahada ukol sa posibleng tulong para sa mga Pilipinong apektado ng sunog.
Matatandaang sumiklab ang sunog bandang 1:30 a.m. noong Enero 1, habang ipinagdiriwang ang Bagong Taon.
Samantala, hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung ilan ang mga tao na nasa loob ng lugar nang maganap ang insidente, na ayon sa mga ulat, ay madalas pinupuntahan ng mga kabataan.
Sa inilabas na datos ng mga awtoridad hindi bababa sa 40 katao ang nasawi at 121 ang nasugatan.
Bukod pa rito, lima sa mga nasugatang tao ang hindi pa nakikilala, habang ilan sa mga biktima ay mahirap matukoy dahil sa matinding natamo dahil sa naturang sunog.
Dagdag pa rito, apat naman sa mga biktima ay mga Swiss Nationals at pormal na kinilala at natukoy ng mga opisyal.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga local na opisyal hinggil sa sanhi ng sunog at pagkakakilanlan ng mga biktima
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










