
Cauayan City — Pinaiigting ng PNP Roxas ang kampanya laban sa paggamit ng maingay o binagong muffler sa mga sasakyan alinsunod sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.
Ipinabatid ng pulisya na ipinagbabawal ang paggamit ng mga illegal na loud mufflers dahil nagdudulot ito ng noise pollution at abala sa mga residente, lalo na sa mataong lugar at gabi.
Ayon sa mga awtoridad, ang sinumang mahuhuling motorista ay maaaring mahuli at mapatawan ng multa, ma-impound ang motorsiklo, at ma-issuehan ng violation ticket.
Bahagi ang kampanya ng programang pangkaligtasan at kaayusan sa kalsada ng PNP Roxas, na naglalayong hikayatin ang mga motorista na maging responsable at iwasang makalikha ng ingay sa daan.
Photo for Illustration Only
Photo courtesy of Philippine News Agency
Source: PNP Roxas
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan








