Tinututukan ng awtoridad sa pangunguna ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Council ang posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Aghon sa lalawigan.
Alinsunod dito, nauna nang isinagawa ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng PDRRMC Council upang malaman ang sitwasyon ang makabuo ng nararapat na pagtugon kaugnay nito.
Bilang paghahanda, pinag-usapan ng mga kawani ang gagawing pagrescue sakaling makaranas ng epekto ang lalawigan.
Samantala, sa inilabas ng Rainfall Advisory ng DOST-PAGASA, makararanas ang ilang bahagi ng Pangasinan ng mga pag-ulan dulot pa rin ni Aghon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments