𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗬𝗨 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗘𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Isinagawa kahapon araw ng Lunes sa San Juan, lalawigan ng La Union ang press conference ukol sa nagpapatuloy na isyu sa West Philippine Sea ng bansang Pilipinas at China.

Layunin ng conference na ito ay upang pag-usapan at alamin ang pinakabagong mga pag-unlad sa West Philippine Sea at paglaban ng Pilipinas para sa soberanya.

Gayundin ang din ang kampanya ng gobyerno na turuan ang mga Pilipino tungkol sa mga karapatan at interes sa West Philippine Sea na isang mahalagang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Ilan lamang sa tinatalakay dito ang matagumpay na pagsasagawa ng BRP Teresa Magbanua na siyam na araw na pagpapatrolya sa Bajo De Masinloc sa karagatan ng West Philippine Sea, paghimok ng ahensya sa mga grassroots na mga lokal na medya sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga nagaganap na panghaharass ng China sa mga mangingisda, mga modernisasyon sa coast guard sa pamamagitan ng mga bagong barko na magagamit ng mga tropa sa pagprotekta sa mga mangingisdang ginigipit, maging ng mga karapatang legal ng bansang Pilipinas sa West Philippine Sea at marami pang iba.

Panaunhing pandangal sina Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard ukol sa WPS, Jonathan Malaya ang Assistant Director- General ng National Security Council at Atty. Fretti Ganchoon ng Department of Justice. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments