𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚

Nananatiling matatag hanggang sa kasalukuyan ang presyuhan sa kada kilo ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa pamilihan sa lungsod ng Dagupan at bilang isa sa pinagmumulan ng produktong Bangus sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan maging sa bansa, naglalaro sa ₱150 hanggang ₱180 pesos ang kada kilo nito, depende sa laki ng bibilhin.

Bagamat walang malaking banta ang El Nino sa produksyon nito, isa sa nakikitang suliranin dito ay ang mataas na presyo ng feeds, ayon mismo sa ilang bangus growers sa lungsod.

Samantala, inaasahan naman ng mga fish vendors na tataas ang demand ng fish products sa darating na Kwaresma. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments