𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Umaabot sa halos isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang High-value individual sa usapin ng illegal drugs sa bayan ng Malasiqui.

Ang suspek ay nakilalang si Kenneth Jhon Zacarias residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Nagkasa ng search warrant implementation ang Pnp sa tahanan ng suspek na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng pitong malalaking sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 130 grams at nagkakahalaga ng ₱884, 000 kasama ang ilang mga illegal drugs paraphernalia.

Nakuhaan din ng halos kalahating milyong piso na halaga na cash ang suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments