𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗖𝗣𝗣-𝗡𝗣𝗔-𝗡𝗗𝗙, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝟮

Cauayan City — Nagsagawa ng kilos-protesta ang 550 mamamayan mula sa iba’t ibang lalawigan ng Cagayan Valley bilang pagpapakita ng mariing pagtutol sa CPP-NPA-NDF sa pagsalubong sa taong 2026.
Pinangunahan ng Kindling Action for Peace Progress and Inclusive Advocacies (KAPPIA) Federation ang mga indignation rally, walk for peace, at mga pulong na nilahukan ng mga People’s Organization mula sa Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Tinuligsa ng mga kalahok ang umano’y propaganda ng armadong pakikibaka na sinasabing nagdulot ng matagal na kaguluhan at kawalan ng kaunlaran sa bansa.
Sa San Mariano, Isabela at Rizal, Cagayan, inilahad ng mga residente ang epekto ng insurgency sa kanilang pamumuhay, kabilang ang karahasan at pananakot, habang nagsagawa naman ng walk for peace ang mga mamamayan sa Ambaguio, Nueva Vizcaya. Ayon sa mga dating rebelde, ang armadong kilusan ay naging hadlang sa kapayapaan at pag-unlad ng mga komunidad.
Nanawagan ang mga grupo sa publiko na magkaisa at manatiling mapagmatyag, iginiit na walang lugar ang armadong pakikibaka sa Rehiyon 2 at pinagtibay ang kanilang paninindigan para sa kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang at legal na paraan.
Courtesy of 5th ID
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments