Iminungkahi sa naganap na physical regular session sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang resolusyong mag-iimbestiga na pangungunahan ng National Irrigation Administration (NIA) sa umano’y nangyayaring polusyon sa mga irigasyon partikular sa isang barangay sa bayan ng Sison kaugnay pa rin sa napaulat na umanong quarry activities.
Kaugnay pa rin ito sa suliranin sa quarry areas sa nasabing bayan kung saan apektado na ang mga irigasyon dito maging mga magsasaka ay apektado na rin.
Ayon sa Board Member ng 5th District ng lalawigan, napag-alaman na mayroong gusot sa mga pinagbabasehang reperensya at kabilang sa resolusyong inihain ang pagtatag ng common cadastral ng DENR na tutukoy sa political at jurisdiction boundaries sa lahat ng bayan at lungsod sa Pangasinan.
Samantala, muling tatalakayin ang mga isyung nakapaloob pa rito sa mga susunod na session para sa wastong pagtugon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨