𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang bente siyete anyos na Lalaki matapos na bumangga ang sinasakyan nitong motor sa isang truck sa Urdaneta City.

Ang biktima ay kinilalang si Jammel Amistad residente ng bayan ng Sta Barbara.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motor ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Barangay San Jose, pasado alas dos ng madaling araw nang ito ay biglang bumangga sa sinusundang truck.

Dahil sa impak at tumilapon ang biktima na nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng Katawan partikular sa kanyang ulo na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Sinasabing walang umanong suot na helmet ang biktima nang maganap ang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments