𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦, 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗡𝗜𝗧𝗢

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang kwarenta y sais anyos na magsasaka matapos itong tagain ng lalaki na inawat nito sa away mag asawa sa bayan ng Burgos.

Ang suspek ay nakilalang si Romnick Navida habang ang biktima ay nakilalang si Dereck Batalla parehongng residente ng Barangay Anapao sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon katatapos makipag-inuman ng suspek sa ilang mga kaibigan nang nagkainitan silang mag asawa.

Dito ay inawat naman agad sila ng biktima na agad umuwi matapos ang insidente.

Subalit sinundan ito ng suspek na armado ng itak at agad na tinaga ang itak sa bahagi ng leeg.

Agad naman itong naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek kasama ang patalim na ginamit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments