
β
βCauayan City – Nasawi ang isang rider matapos na masangkot sa aksidente sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Minante 1, Cauayan City kagabi ika-6 ng Enero.
β
βSa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang biktima ay kinilalang si Richard Asuncion, 25-anyos, residente ng Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela.
β
βLumalabas sa imbestigasyon na bago mangyari ang insidente, binabaybay ng single motorcycle ni Asuncion ang daan patungo sa timog na direksyon kung saan nasa unahan nito ang Nissan Navarra na minamaneho naman ni alyas “Lyndon”.
β
βNang makarating sa pinangyarihan ng insidente, habang nasa proseso ng pagliko pakanan ang sasakyan ni “Lyndon”, nasalpok ng motorsiklo ni Asuncion ang harapang bahagi ng sasakyan.
β
βDahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng malalang pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Asuncion dahilan upang bawian ito ng buhay, habang hindi naman nasaktan ang driver ng sasakyan.
β
βSa pinakahuling ulat mula sa Cauayan City Police Station, nagkasundo na umano ang driver ng sasakyan at ang pamilya ng nasawing rider.
β—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










