𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗔𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – May Buena Mano ng naghain ng Certificate of Candidacy para sa May 2025 Elections sa Commission on Elections Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team kay Atty. Johanna Vallejo, kahapon ika-4 ng Oktubre ay may isa ng aspirant ang pormal na naghain ng kanyang Certificate of Candidacy sa kanilang tanggapan.

Ang aspirant ay kinilalang si Marvin V. Reyes, naghain ng kanyang Certificate of Candidacy para sa posisyon bilang Sangguniang Panlungsod sa lungsod ng Cauayan.


Bagama’t iisa pa lamang ang pormal na naghain ng kanyang COC, may mga representatives na ng mga aspirants ang nagtungo sa kanilang tanggapan upang kumuha ng forms para sa iba’t-ibang posisyon.

Samantala, patuloy pa rin na naghihintay ang kanilang opisina sa mga aspirants na nais na maghain ng kanilang COC para sa eleksyon sa susunod na taon.

Facebook Comments