𝗦𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗧-𝗔𝗡𝗗-𝗥𝗨𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Patay ang isang sesenta anyos sa ginang matapos itong mabiktima ng hit-and-run sa San carlos city.

Ang biktima ay nakilalang si Fe Dela Cruz, residente ng Barangay Talang sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang anak pasado alas diyes ng gabi ng sila sana ayy tatawid sa kanilang barangay ng bigla silang mabangga ng isang SUV na hindi pa malaman kung sino ang nagmamaneho dahilan upang magtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkakakilanlan ng driver ng SUV bagamat nakuha naman ang plate number nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments