𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Natagpuang patay ang isang kwarenta y dos anyos na magsasaka sa may bayan ng Umingan.

Ang biktima ay nakilalang si Jr Sanchez residente ng Barangay San Juan sa nasabing bayan.

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng biktima sa isang ilog sa kanilang barangay pasado alas onse ang umaga.

Ayon sa imbestigasyon, January 24 pa ng naiulat na nawawala ang biktima kung saan na nagpatulong na sa barangay ang mga pamilya nito upang hanapin ang nasabing biktima.

Huli itong makita na naglalakad papunta sa kanyang kubo sa kanilang barangay kung saan, nang makita itong palutang-lutang sa ilog ay walang suot na damit na pang itaas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments