𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Nahuli ang dalawang katao tubong Tarlac matapos magbenta ng pekeng sigarilyo sa dalawang may-ari ng sari-sari store sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Nagpakilala umano na Supervisor mula sa isang brand ng Cigarette company ang mga suspek na kinilalang sina Jessie Salas at Norwin Villar at nagbebenta ng produkto sa murang halaga. Nahikayat umano ang dalawang biktima na bumili agad ng aabot sa P5, 000 ang pinagsamang halaga. Nadiskobre ng isang biktima na peke ang mga nabiling sigarilyo matapos naging negatibo ang resulta nang i-scan ang barcodes.

Agad nagreport ang mga biktima sa awtoridad at dagliang naaresto ang mga suspek. Nakumpiska sa sasakyan ng mga ito ang 20 reams ng pekeng sigarilyo. Haharap sa kasong paglabag sa RA 8293 ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments