𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Timbog ang isang trenta y uno anyos na tricycle driver matapos ang ikinasang buy bust operation laban dito sa Urdaneta City.

Ang suspek ay nakilalang si David Ampa residente ng San Vicente sa nasabing Lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas diyes ng gabi sa Barangay Nancalobasaan na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng walong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.2 grams at nagkakahalaga ng mahigit sa walong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments