𝗧𝗥𝗜𝗣𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗡𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗥𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Dumagsa ang mga residente,deboto at turista sa pamosong Minor Basilica of Our Lady of Manaoag matapos ganapin ang canonical coronation at procession maging ang pagkakataon na masilayan sa labas ng altar ang imahen.

Ayon kay Manaoag Municipal Mayor Jeremy Agerico Rosario, isa umano sa highlights ng kapistahan ang naganap na prusisyon at koronasyon sa procession routes ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Matatandaan na noong April 22, 1926 ay iginawad ang canonical coronation ng Birhen sa pangunguna ni Pope Pius XI. Sa isang taon dalawang beses lamang inilalabas mula sa altar ang imahen ng Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag. Una ay tuwing ipinagdiriwang ang kapistahan nito tuwing Abril at pangalawa sa paggunita ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre.

Kaugnay nito, siniguro naman ng alkalde ang kahandaan ng bayan sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto at maayos na ugnayan sa awtoridad patungkol sa katiwasayan at kaligtasan ng publiko sa kapistahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments