Nasa limang porsyento na lamang mula sa kabuuang hundred percent ang hindi pa nakakapag consolidate na mga Public Utility Vehicles (PUVs) sa lalawigan ng Pangasinan.
Katumbas nito ang nasa isang daan at pitumpu (170) na mga PUVs ang nananatiling unconsolidated kasunod ng nalalapit na PUV Consolidation deadline sa darating na April 30, ngayong taon.
Isang nakikitang dahilan bakit hindi pa tuluyang makakapag consolidate ang natitirang limang porsyento ay dahil sa kakulangan sa bilang ng miyembro upang makabuo ng isang kooperatiba, dahilan na nasa guidelines ng LTFRB ay kinakailangan ang nasa labinlimang miyembro.
Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong ang One Pangasinan Transport Federation sa pamumuno ni Bernard Tuliao sa tanggapan ng LTFRB Region 1 upang talakayin ang appeal kaugnay nito.
Samantala, kabuuang tatlong libo, dalawang daan at tatlumpo (3, 230) na mga PUVs sa buong probinsya ng Pangasinan ang consolidated na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨