𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗢𝗕𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗔𝗡𝗖𝗘𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Doble ang pag-iingat ngayon ng ilang konsyumer ng kuryente sa Dagupan City lalo sa kanilang mga ginagamit na electrical appliances dahil sa init ng panahon.

Maaari kasing maging sanhi rin ng sunog ang maling paggamit ng de-kuryenteng kagamitan at sasabay pa sa init ng panahon.

Ang ilan sa residente sa island barangay, dino-double check ang mga kagamitan sa bahay tulad ng electric fan na madalas ngayon gamitin.

Hindi na ito kung minsan tinatanggal sa saksakan dahil sa mainit na panahon na nararanasan ngunit nasisiguro naman umano ng mga ito na agad na nilang tinatanggal sa saksakan kung walang gumagamit.

Patuloy rin na nagbibigay ng paalala ang mga awtoridad ukol sa tamang paggamit ng mga de-kuryenteng kagamitan sa bahay lalo at isa ito sa maaaring maaapektuhan ng init ng panahon at magdulot ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments