
Cauayan City – Nagbabala ang Office of the Vice Mayor ng Ilagan sa publiko hinggil sa kumakalat na modus ng panlilinlang kung saan may mga indibidwal na nagpapanggap na kawani ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa mga ulat, gumagamit ang mga scammer ng tawag at text message upang humingi ng bayad para umano sa pagkain, hotel accommodations, at iba pang “opisyal” na transaksyon.
Nilinaw ng Office of the Vice Mayor na hindi sila humihingi ng bayad sa tawag, text, o anumang e-wallet tulad ng GCash at Maya. Ang ganitong uri ng komunikasyon ay pekeng transaksyon at hindi awtorisado.
Lahat ng lehitimong pakikipag-ugnayan ay isinasagawa lamang sa opisyal na LGU email, contact details, at sa mga itinalaga at awtorisadong kawani.
Hinihikayat ni Vice Mayor Jayve Diaz ang publiko at mga negosyante na maging mapagmatyag at huwag magpadala ng pera bago mag-verify sa opisyal na channels.
Pinayuhan din ang lahat na i-report agad ang kahina-hinalang tawag o mensahe upang maprotektahan ang komunidad laban sa panlilinlang.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









