𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗔𝗕𝗥𝗔; 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗗𝗜𝗡𝗚-𝗜𝗡-𝗧𝗔𝗡𝗗𝗘𝗠

 

CAUAYAN CITY – Patuloy ang ginagawang pagtugis sa riding-in-tandem na walang habas na namaril sa Vice Mayor ng bayan ng Pidigan, sa Probinsya ng Abra.

Ang nasabing biktima ay si VM Noel Bisares na noon ay nakaupo sa isang tindahan ng construction supply nang biglang hintuan ito ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo at saka pinaulanan ito ng bala.

Bilang resulta, nagtamo si Bisares ng tama ng baril sa braso at balikat na kaagad namang itinakbo sa pagamutan matapos ang pamamaril.


Samantala, kaagad ding tumakas ang mga suspek na hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan gayundin ang motibo.

Sa ulat ng pulisya, ito na ang pang-apat na kaso ng pamamaril na naitala ngayong buwan sa Probinsya ng Abra.

Facebook Comments