𝗪𝗔𝗜𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢𝗕𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado ang 22 anyos na waiter sa isang restobar sa Urdaneta City kinilalang si Kenneth Torres sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad.

Tinukoy na isang street level individual sa usaping illegal drugs ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.26 grams at nagkakahalaga ng abot dalawang libong piso. At dalawang sachet ng marijuana na tumitimbang ng 13 gramo at nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Binalonan Police Station ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments