𝟭𝟱𝟳 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗖𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Inihayag ng Pangasinan Police Office (PANGPPO) na nasa 157 na katao ang naaresto ng ahensya mula December 1-7, 2024 sa pinaigting na anti-criminality campaign.

Sa nasabing bilang 31 drug personalities ang naaresto sa sa 31 drug operation ng awtoridad.

Aabot sa 102 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 695,000 ang nasamsam ng mga ito.

Apat na kato rin ang naaresto sa kampanya kontra loose firearms at 90 ang na wanted person ang nahuli matapos silbihan ng arrest warrant.

Mas paiigtingin pa umano ng PANGPPO ang pagbabantay sa komunidad upang maging ligtas ang bawat Pangasinense ngayong holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments