Sunday, February 8, 2026

𝟭𝟴-𝗔𝗑𝗬𝗒𝗦 𝗑𝗔 π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—›π—”π—¦π—”


Cauayan City β€”Nadakip ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na lalaki na wanted sa kasong panggagahasa ngayong araw, ika-7 ng Pebrero sa Brgy. Matusalem, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Unyok”, 18-anyos, magsasaka, residente ng nabanggit na lugar, at itinuturing bilang Number 4 Regional Most Wanted Person.

Ang suspek ay wanted sa batas matapos na masangkot sa tatlong bilang ng kasong Statutory Rape at dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness.

Dahil sa bigat ng kanyang kasong Statutory Rape, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan, habang P180,000 naman ang piyansa na maaari niyang ilagak para sa kasong Acts of Lasciviousness.

Ayon kay Police Colonel Manuel Bayani Bringas, Acting Provincial Director, ang pagkakadakip sa suspek ay patunay ng matibay na paninindigan ng kapulisan na papanagutin ang mga sangkot sa mabibigat na krimen, lalo na yaong may kinalaman sa pang-aabuso laban sa mga bata at kababaihan.

Binigyang-diin din niya na hindi kukunsintihin sa lalawigan ang anumang paglabag sa batas at sa karapatan ng mamamayan.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments