
โ
โCauayan City – Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang nakahintong truck sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela, gabi ng Pebrero 18, 2026.
โ
โKinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Dingdong”, isang security guard at residente ng Angadanan, Isabela.
โ
โMinamaneho niya ang isang Honda Click nang salpukin nito ang likurang bahagi ng isang Isuzu truck na minamaneho ni alyas “Popoy” na pansamantalang nakahinto sa gilid ng national road.
โ
โAyon sa paunang imbestigasyon, parehong tinutungo ng dalawang sasakyan ang magkaparehong direksyon nang huminto sa gilid ang truck upang suriin ang diperensyal nito at may nakabukas umanong hazard lights bago naganap ang banggaan.
Sa tindi ng impact, nagtamo ng matinding pinsala ang biktima at agad na isinugod sa ospital.
โ
โGayunman, idineklara siyang dead on arrival ng doktor.
Hawak na ng pulisya ang drayber ng trak habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente at inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga sasakyan.
โ
โSource: PNP Cauayan
Photo credit: PNP Cauayan
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan
โ










