
βCauayan City β Tatlong indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Echague Police Station matapos maaktuhan na nagsasagawa ng ilegal na sugal na paglabag sa Presidential Decree 1602 nitong January 11, 2026 sa Purok 2, Barangay Fugu, Echague.
β
βKinilala ang mga suspek na sina alyas “Dita”, alyas “Lyn”; at alyas “Tope”, pawang mga residente ng nasabing barangay.
β
βNahuli umano ang mga ito habang naglalaro ng barahang βTong-itsβ sa loob ng bahay na nagsisilbi ring tindahan ng isa sa mga suspek.
β
βNasamsam ng mga pulis ang isang kahoy na mesa, tatlong monoblock na upuan, isang baraha, at bet money na nagkakahalaga ng β±870.00.
β
βMatapos ipaalam ang kanilang mga karapatan, dinala ang mga suspek sa Echague Police Station para sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa PD 1602.
β
βMuling pinaalalahanan ng Isabela Police Provincial Office ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang ilegal na sugal at patuloy itong tututukan ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.
β
βSource: PNP ISABELA
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan








