𝟰𝗣𝗦 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗘, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Kinuha bilang regular employees ang mga College Graduate ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Lokal na Pamahalaan ng Cabagan.

Ayon kay Municipal Mayor Christopher Mamauag, ang programang ito ay isa sa mga pangako sa mga benepisyaryong nagtapos sa programa.

Prayoridad na kunin ang mga benepisyaryong nagtapos ng tertiary education upang matustusan ang kanilang pamilya.


Sa ngayon, nasa labing tatlong benepisyaryo ng 4Ps ang kinuha ng Lokal na Pamahalaan ng Cabagan.

Facebook Comments